May dadamban na buwayang-tao.
Ang salaping iniingatan ay lalaho,
Kaya't manghihinayang, di susuko.
Ang Lumbay iwanan nang pamilya,
Nais mang maglumpasay at lumuha.
Sa ngiti nila at mga panalanging kusa,
Tangan mong araw at gabing nag-iisa.
Ang Luksa mang-iwan lang sa ere,
Pakiramdam mong lusoy na't pwede.
Bandang huli ikaw gagawa't depende
Habang ang lahat may matang penge.
Ang Labis naiwan ang iyong pighati,
Na sa tingin mo ay wala nang ngiti.
Maraming umaasang maibabalik muli
Tuluyang liliwanag at di mapupundi.