Featured post

Paano Mag-Change Status

Ilang Patnubay ng Kaibigan ang Kailangan” 1.  Facebook ang unang nakaalam bukod sa mga pamilya mo.            Kung hindi ka makamove on...

Tuesday, 12 January 2016

Paano Mag-Change Status

Ilang Patnubay ng Kaibigan ang Kailangan”
1.  Facebook ang unang nakaalam bukod sa mga pamilya mo.
           Kung hindi ka makamove on, magbago ka.  Ang masaklap, bago ka pa man maging handa o siya ay alam na ng buong mundo ang iyong nararamdaman.  Minsan babalikan mo ng may pagsisisi ang nakaraan, sana hindi mo na lang din post ang mga matatamis mong mensahe at larawan sa iyong account.  Pero huwag ganun!!!  Hayaan mo na yun.
          Ang Facebook ay lubos na makakatulong sa iyo kung hindi mo kayang magbago.  Mag-change status ka.  Sigurado, ang mga malalapit niyong kaibigan, nagmamahal sa inyo at nakikiusyoso ay magpapaabot din ng mga salitang nais mong marinig.  Piliin mo ung katagang ayaw mong gawin at ichallenge moa ng iyong sarili na kaya mo.  Ayun ang tunay na sagot!!!
          Kung minsan, malalaman na lamang din ng iyong pamilya ang pangyayari sa iyong buhay dahil may ilang makakating bibig ang magbubunyag ng balita o chismis.  Kaya mas mabuting, unahan mo sa laro at larangan ng pagpopost ang iyong mga tagasunod sa Facebook.  Ipangalandakan mo kung ano ang estado ng iyong nararamdaman.  Magsisi ka man dahil baka bandang huli ay kayo’y magkabalikan, para lang din yang sakit nung iwan at mabigo ka.
          Para din yang “goal” at “dreams” mo.  Na ina-update mo ang lahat at maitutulak ka sa dapat mong gawin.  Madalas sa atin, masasaya lang ang nababasa ng iba, bakit hindi mo subukan kung ikaw naman ay lagpak at kaawa-awa, sinong tutulong?
2.  Kaibigan ang hahanapin mo para ilabas ang iyong drama.
          May mga malayong kaibigan pero sila pa din ang hahanap hanpin mo kapag may problema kang tila walang sagot.  Yung tipong hindi naman nila alam kung anu-anong pinag-gagawa mo noon masaya ka sa piling nung tao, o nasa tutok ka ng kaligayahan.  Tapos mas pipiliin mong sa kanila ilabas ang mga baho ngayon.
          May ilan ka din kaibigan na kasama mo lagi pero hindi ka nila kilala.  Ang alam nila ay ang taong masaya, may mithiin at hindi mahina.  Marahil, kaya ka nahihirapan ipakita ang kung anumang nasa puso at isip mo.  Ang hirap ng ganun, para kang may tangan-tangan na panibagong kaaway.  Sila ba ay lubos na papanig sa iyo o makikinig lang at wala naman ding masasabing tama.
          Mainam na kaibigan sa panahon ng problema ang walang pera, hindi matalino, pero may balikat na handa mong iyakan.  Yung tipong, ikaw lang ang kanyang pagsasalitain dahil moment mo iyon.  Na sa lahat ng sasabihin mo tama sa kanya.  Pwede kang tumambay ng walang inaalala at kumain ng kahit ano, suportado ka pa din.
          Kaya ngayon pa lamang, bilangin at baybayin mo na kung sino at ano ang mga kaibigan mong magbibigay sa iyo ng lakas…hindi dahil ikaw ay oportunista kundi bilang totoo.  Huwag kang mamuhay sa paligid kung saan hindi ikaw nakapagbibigay luwang sa mga dalahin…huwag kang manatili kung saan ikaw ang pabigat.  Dapat sa iyong pamumuhay, ikaw at ang lahat ay lumalago at humahalimuyak.  Huwag mong hayaan na ikaw lang ang umiiyak.  Dapat marunong din silang lumapit sa’yo upang magbuhos ng iyak at makiiyak sa tamang panahon.
          Ang drama ay para sa lahat, lahat kung saan kayo ang bida!
3.  Burahin ang alaala ng nakaraan sa cellphone at isipan mo.
          Ang hirap!  Alam ko.  Saka mo bibigyan ng mga dahilan ang iyong sarili na wala ka ng nararamdamang hinanakit kahit basahin mo pa ang mga mamatamis na salita na inyong palitan noon.  Yung akala mong hindi mo na bibigyan pa ng pagkakataon ang alaala na ikaw ay saktang muli.  At akala mong, kaya mong tawanan ang mga bagay na noon, sayo’y nagpakilig at nagpalipad sa alapaap.
          Sino nga bang nais burahin ang memoryang magpapaalala sa iyo na ikaw ay nagmahal…ng tama, sa maling pagkakataon.  O sa tamang pagkakataon, sa maling tao?  Ang saklap isipin na paulit-ulit mong iisipin ang nakaraang, pinag-aksayahan mo ng oras.  Sa dami mong panghihinayang nauubos ang upos at nalalagas na lakas.
          Mas mahirap magpalit ng bagong cellphone kaysa magbura ng ilang detalye rito.  Oo, hindi lahat kasi sigurado akong magiging maasim ka lang bandang huli.  Hahanapin mo lang din ung dati at malaki ang tyansa na maging istoker at imbestigador ka niya.  Ang nararamdaman naman ay isang proseso kaya kinakailangan mong maranasan ang iba pang lebel ng sakit hanggang sa ikaw ay maging manhid.  Sa panibangong ekspenasyon mo ng manhid, doon ka magsimulang ibaon naman sa iyong isipan.
          Ang ating isipan ang pinakamahirap na kalaban.  Hindi gaya ng puso na may anim lamang tayong segundo para sa ating nararamdaman.  Ang laman ng ating isip ay may tatlo aspeto kung saan ang “subconscious” ang may pinakamalaking porsyento na isang araw o may pagkakataon na sasagi pa din siya sa iyong isip.  Tama nga na hindi mabubura mo nga siya sa cellphone pero hindi sa iyong isip o puso.  Sa totoo ang kailangan lang natin ay ang likas na pagtanggap.  Kapag natutunan mo ito, hindi mo na kailangan ang iba pang bagay at pahirap!

4.  Itago o idonate ang mga bagay na bigay niya noon sa iyo.
          Bata pa lamang ako, nakahiligan na namin ang magbigay ng hindi kailangan sa iba.  Palaging sinasabi ng aming ama, ibigay na agad kung anim na buwan mo ng hindi ginagamit.  Ito’y pisikal na nakakaluwag sa kabinet at nabibigyan ka ng walang kapantay na kaligayahan.  Samantalang ang aking nanay, panay ang bili ng mga nagamit na damit, sayang umano dahil pwede pa naman niyang pagtyagaan ng ilang araw o taon.
          Ang laki ng implikasyon nito sa aking buhay at naibalanse ko ang dapat itapon at pagtyagaan.  Alam kong may dapat kalimutan at gayundin, alalahanin.  Kung iisipin ko, kaya kong tiisin na talikuran ang lahat matapos ang anim na buwan.  Yung matapos kong ibigay ng buo, maiiwan akong masaya dahil ako ang nagbigay.  Ang isa’y, kung tama ba ng kumuha ng kapalit dahil parehas naman kayong naluma, nasaktan at nangangailangan ng kalinga.  Yung parehas kayong nag-iisip na hindi na kayo mag-iiwanan at huli na ito para maging masaya at tama.
          Hanggang sa lumaki at magkatrabaho ako…dalawang beses sa isang taon ko ginagawa ang pagtuklip ng damit para ipamahagi.  Ang ilang bagay din na parte ng aking saya noon ay ilan din sa aking hinahandang ipamigay.  Ito na din marahil ang sasabihin o ipapayo ng ilang eksperto sa gustong makalimot.  Malalaman mong gagaan ang iyong pakiramdam kung natutunan mo lag bitawan ang nagpapabigat sa iyo ng husto.  Malalaman mong kaya masikip ang mundo mo noon ay dahil may nakasiksik sa iyo na hindi naman dapat.  Ang tunay na relasyon o pag-ibig ay nakikitang lumalago ng karamihan at napupuna ang kasiyahan sa inyog mga mata.
5.  Patawarin siya at ang iyong sarili isabay ang pag-eehersisyo.
          Payat pa man ako, hindi na ako mahilig magpapawis at mag-ehersisyo.  Yung magkakaroon ka ng time para malobohin ang iyong braso at gawing pandesal ang iyong tiyan.  Hindi ako nabubuhay para dito.  Ngunit kung ang dahilan ay ang paglalaro, paglalakad sa parke o pag-akyat ng bundok at pagbibilang ng perang kinita, sigurado kasama ako doon.  Kaya naman sa tuwing may mabigat na problemang nararamdaman, malayo ang aking mga kaibigan upang ako’y samahan sa bisyong ginagawa naming magkakasama.
          Isa palang mabisang pantanggal ng kalungkutan ang pag-eehersisyo lalo na ang pagtakbo.  Magiging maaayos lamang ito kung nauna mo siyang patawarin, ang sarili mo.  Mahirap tumakbo ng may mabigat na dalahin pisikal man o emosyonal.  Nasubukan mo na bang tumakbo ng may dala-dalang mabigat na pasanin sa iyong likuran?  Gayundin, ang may masikip na dibdib dahil sa iyong nararamdaman?  Kaya siguraduhin munang, nasasaayos ang lahat upang maging kapakipakinabang ang benepisyong dulot.
          Kaakibat ng pag-takbo ay madaming bagay na iyong matututunan:  mas nakakaya mong itulak ang iyong sarili sa mas kaya mo pang gawin ng wala siya, makikita mong sa layo na ng iyong napuntahan, maliit man na hakbang ay ayaw mo nang balikan, ang pagpapagal ay mas mainam kaysa pag-iisip.  Ang mga bagay pinagpaguran ay tumatagal at ang mga pagkakataon na minsan lamang ay tiyak na hindi na maibabalik.
          Ulit-ulitin ng tatlumpong beses hanggang sa maging sistema na ng katawan, utak at puso mo.  Makikita mong, hindi mo ginagawa ang bawat sitwasyon para may pasikatan ka kundi dahil natututunan mo ng pagtuunan ang sariling dati’y naging madamot sa saya.

6.  Gawin mo muli nag-iisa ang mga bagay kinalimutan mo.
          Alinsunod sa aking suhesyon sa taas, ang mga bagay na hindi mo nagagawang mag-isa ang siyang pagtuunan mo na ng pansin.  Marahil, marami rin ang magsasabing madami ka ding nagawang hindi mo magagawa ng mag-isa.  Hindi ka naman nga iiyak ng walang dahilan, hindi ka naman magbubura o magtatago ng letrato sa “social media account” mo matapos ang lahat o hindi lalong hindi ka naman gumastos ng doble minsan kung wala siya.
          Isipin mo ng mga bagay na ikaw na lamang ngayon at ihanda mon a ito’y matatagalan din.  Isipin mong, tatagal na hindi ka iiyak sa sama ng loob kundi lungkot sa gabing wala ka matakbukan, yung mag-uupload ka ng letrato mo na ikaw na lang at walang taga-kuha saan ka man pumunta o higit sa lahat makakaipon ka na dahil wala ng hihingi ng kagaya noon.  Pagkagastusan mo ng doble ang sarili mo hindi para sumaya ka kundi makabawi sa mga dating pagtrato mo sa sarili mo dati.  Pasasalamatan ka ng sarili mo sa kinabukasan.
         Ang tanong, ano pa nga ba ang nakalimutan mong gawin ng kasama mo siya?  Ang suot mong damit na pinapansin, lugar na iyong pupuntahan, pagkain na bibilhin, taong mga hindi mo makausap?  Mga dating kaibigan, kasalukuyang katrabaho at mga kulang na oras nalaan sa iyong pamilya… Lahat ibinigay mo kahit na minsan umasa ka din bibigyan ka niya.  Kung ikaw naman ang kumuha ng atensyon at oras sa taong iniwan mo, matuto kang magbalik ng ninakaw mo sa kanya para muling sumaya ka.
          Mahirap iwanan ang taong kinuhanan at pinaghigpitan mo.  Sa inyong paghihiwalay, kakawala siya ng higit sa dapat niyang ikilos.
         
7.  Maging mas kaaya-aya, mapagkumbaba, magdasal palagi.
          Maraming nag-asawa ang nalosyang matapos magka-panganay.  May ilang lalaking nalulong sa bisyo ng iwana ni misis.  May ibang mga batang nagpaka-adik at nakulong dahil sa walang kalinga ng magulang.  May ilang negosyong nabaon sa utang nang hindi maayos sa kanyang partner.  Gayundin naman sa isang relasyon na  marami sa atin nalulugmok matapos maghiwalay.
          Isa sa pinakamabisang tahimik na paghihiganti ang makita ka ng kaaway na naging maayos ang lagay.  Ang makita niyang nakangiti at mas masaya ka sa piling ng iba, ang maging masaya sa trabaho at patuloy na suporta ng iyong mga pamilya matapos ang lahat.  Masakit iyon na hindi tulad noon, hinahanap niyo ang likas saya at hindi natural na dumadating na dapat pagsaluhan.
          Pero mali ang maghiganti, gawin mo na lamang positibong enerhiya ang lahat ng sakit na iyong naramdaman.  Dapat sa lahat ng iyong gagawin at sasabihin at nararapat lamang na sigurado ka.  Dapat lamang na mas natuto ka kaysa noon na ikaw at sumusunod.  Mahirap nga mapag-iwanan o mang-iwan lalo na kung nasanay kang nakikita siya, nahahawakan mo ang kanyang mukha at nasasabihan ng alam mong mali.  Anuman ang sakit pa naidulot, kailangan mong magpatawad.  Kalimutan?  Kahit hindi na.  Nariyan lang iyan at patuloy na mauulit kung hindi ka bukas-mata.

          "Manalangin ka, ipagdasal mo ako."  Totoo!  Ayan madalas ang aking sagot at sinasambit kung hindi ko na alam ang ano pang gagawin.  Ito na marahil ang pampalubag loob para sa karamihan at ang kulay ng buhay ay muling masisilayan ng lubos, at salamat na! 

No comments:

Post a Comment