Featured post

Paano Mag-Change Status

Ilang Patnubay ng Kaibigan ang Kailangan” 1.  Facebook ang unang nakaalam bukod sa mga pamilya mo.            Kung hindi ka makamove on...

Saturday, 5 July 2014

Problemang Uhugin



******

Noong sanggol tayo, walang lasa masyado ang ating mga kinakain. Wala din tayo masyadong problema.

Noong naging bata tayo, nagkalasa't nakakaramdam na tayo ng busog. At doo'y nakaranas na din tayo ng problema.

Ngayong may edad na tayo, sobra na ang lasa ng ating kinakain. Dama at napag-alaman na din natin ang tamis, alat, asim at pait (problema) ng buhay!

Hindi kaya dahil sa kinakain natin?!? Ngunit subukan mong huwag kumain, wala ka na ding problema't buhay (dahil patay ka na).

Hindi nga naman sa problema ang hindi pagkain. Minsan nga, mas madaming problema mas madaming nakakain. Ganun nga talaga o sa sabrang lungkot kakarampot lang ang ating nakakain.

Isinulat noong ika-10 ng Hunyo 2014

*******

Ngayong araw, nilakbay ko ang kanluran hanggang silangan. Napagtanto ko ang kakaibahan ng bawat nilalang ayon sa kilikili:

May maputi na mabaho,
May maitim na mabango,
May mabuhok na di pawisin,
May makinis din na asimin.

Saka ko binaybay ang timog pa-hilaga at inisip, kung anuman yan...may pagkakaparehas ang lahat, "walang palad at talampakan na maitim!"



*******

Isinulat noong ika-27 Mayo 2014

Dati ang problema lamang natin noong bata tayo, magpabili ng usong laruan, makilaro maghapon sa kapit-bahay at kumaing pilit ng hinapag na pagkain ng ating magulang.

Habang lumalaki, problema naman sa pagpasok sa paaralan para makakuha ng mataas na grado, pagpili ng kaibigang sasamahan o iimpluwensiyahan at pagdiskubre sa bagong bagay o karanasan...

Ngayon sa totoong buhay, paano solusyunan ang problema sa buhay-relasyon, pagyamanin ang pamumuhay, maging masaya sa buhay at dugtungan ang buhay...

Ibig sabihin, ang tao puno ng problema habang nasa mundo... Normal lang iyan, manalangin at manalig lang sa Panginoon!

Isinulat noong ika-16 Mayo 2014

*******


No comments:

Post a Comment