Featured post

Paano Mag-Change Status

Ilang Patnubay ng Kaibigan ang Kailangan” 1.  Facebook ang unang nakaalam bukod sa mga pamilya mo.            Kung hindi ka makamove on...

Showing posts with label Problems. Show all posts
Showing posts with label Problems. Show all posts

Monday, 1 September 2014

Kagat-Langgam

May mga bagay na akala natin mapapasaatin.   Mga pagkakataon na tila magiging ganap.  Taong mababago sa tulong ng ating sikap at impluwensiya.  Ngunit ang lahat ng ito'y kontrolado Niya, bagay na dapat nating ipaubaya, ikasaya at ipasakop.

Tulad na lamang ng tanong ko kung bakit ang kayamanan ay hindi pantay-pantay.  O ang paghihirap ay hindi rin pare-parehas?  

Bakit habang may nagsasaya ay may nalulungkot sa isang banda.   O kaya naman paano magiging isa ang pag-iisip ng lahat tungo sa kapayapaan?

Tulad na lamang ng tanong ko kung bakit naimbento ang ilang bagay na magpapalugmok sa atin?   May mga lugar na hirap matunton at liparin?   

Tulad na lamang ng ginusto kong bahay, lupa at sasakyan?  Tulad ng inambisyon kong laruan noong bata ako, ni kailanma'y hindi dumapo sa aking palad. 

Saan ba tayo nagkakamali at nagkukulang?  Sa pagkuha ng kaunti o pagbigay ng sagad?  Sa pagnakaw ng lantad o pagtulong ng tago?  Sa paglilinaw ng kalituhan o pag-ambag ng kagulumihanan?  



Nang mabokya ako sa panliligaw at malihis ang pag-ibig.  Gayundin, nang magkasakit ang aking mga mahal sa buhay na tila ang oras ay ninanakaw sa akin.  At ng lokohin ako ng aking mga kaibigan na itinuring kong totoong tao sa aking tabi.  

Wala din akong nagawa nang pasunurin ang mga trabahador sa nais kong mangyari.  Minsan nakakaloko ang kanilang iniisip, may nag-uumapaw na kayabangan ng puso't butas na bulsa.  

Tulad ng kinulang ako sa pang-gastos sa araw-araw dahil hindi ako nananalangin. O bumangon sa umaga nang may malakas at sigla.  

Mag-isip paano bahaginan ang ating otoridad para sa ikauunlad ng kanilang nasasakupang gobyerno.  Paano sumunod sa tama at iwaksi ang mali?

Ang lahat pala ng ito'y kathang isip lang.  Isang pakiramdam na wari'y kagat-langgam.  Waring nagiging makatotohanan sa oras na bigyan nating pansin.  Tulad ng isang sakit na nagiging makirot sa labis na atensyon imbes na hayaan ng lubos. 

Samakatuwid, hindi tao ang dapat sumubok sa bagay, pagkakataon at tao kundi ang Panginoon.   Sa kamay natin, ay walang kapangyarihang masapo ang anuman sa mga ito kundi tanging Siya.  

Ang paghihirap ay kawalan ng ugaling pagpapasalamat.  Dito ito nagsisimula at siya ring mabibigay wakas.  Ang sakit, pisikal, emosyonal o anumang aspeto nito ay dahil may dambuhalang presensya ng abnormal na elementong lumalason sa ating pag-iisip.  

Matutunan natin rito ang kwento ko sa langgam.  Noong ako'y bata pa, sa kaliit-liit ng kaibigang si "langgam", lagi kong ginagambala ang kanilang tirahan.  Gaya ng pagyurak natin sa ibang tao o sila sa atin.  At tatakbo ako ng ilang dipa't babalikan ng kaunti.  Gaya ng pag-iwas at pagpapalamig ng nagbabagang sitwasyon.  Saka ko susulyapin ang kanilang paglipat-bahay, tulad ng kapiranggot na pagpapakita natin ng pagkalinga sa ating mga nasaktan?  Saka naman ako makakaramdam ng pangangati, ganti marahil ng kanilang inis.  Tulad ng kanilang pangit na dasal o disiplina sa akin ng nasa Itaas. 

May ilang sitwasyon na mas masakit ang kagat ng mga ito kung alam kong tutusok ang kanilang antenang matulis sa aking balat?  Ilang pagkakataon na hinahayaan kong kagatin ng harapan ang aking pagkatao.  Ngunit, naramdaman kong ang tiyak na kaibahan kung hindi ko nalalaman, hindi masyadong masakit o makati.  



Tulad ng aking mga katanungang walang paglagyan ng kasagutan, mga emosyon na nilimbag ng panahon.  Mas lalong namamaga at umuumbok ang sakit kung ito pa'y aking malalaman.  Ang ugat-ugat na problemang uusbong at maglilitawan.  Kaysa hahayaan at ipagsasawalang-bahala ay ipagsasa-Diyos ko na lamang nang maagang humupa ang kirot.  

Tuesday, 22 July 2014

(IF) I HAVE A SUPERPOWER!


When I will be asked by someone, what superpower I wanted to possess, I will gladly reply "to control".  But let me correct my statement, which aboveall who can control and must be able to do this is only --- God!

I just thought that it would be happy if I can control the situations by changing the mindset of mischievious people, the broken marriages or any other forms of relationship, the physical wealth, the emotional battle and war among nations, the life span spent, the attraction from opposite sex, the temporary pleasures and more such decisions to be made that affect one kind.

Problems are just merely part of our lives.  In fact, it will refine our character than living in comfort of ignorance.  We must be patience in dealing circumatances in life.  Like the Bible says, tribulation worketh patience.  So if we pray for the patience coming from Above, He will send us earthly trials.  He wants us to live like Him because He is our Father, our great role model to follow.  We also repeatedly heard that we are precious stone or gold that needs to be put on fire to test if it's genuine or bogus.

To control, as we usually compare are really differs from leading.  Even leading to ruling - though it varies from given situations and context.  However, I can comprehend that one should be able to stand for the rest carrying the burdens of many.  While others would be capable of dictating for others to be changed or influenced their lives.  I still believed, it is difficult tasks when we organize things to put in order like traffic on the roads, man who choose to be miserable, words to be thrown, cycle in nature, dynamics of the world or advancement of science, at one time or all the time!

Not just on material aspect but hearts and minds of people, too.  When God knocks on to our hearts, we kept it closed though He's consistent.  When the Holy Spirit speaks in our mind to do what is right, we tend to follow our own flesh that soon lay on guilt.  There are bunch of reasons and whereabouts that we can't act coherently which I found out really very impossible to bestowed by ordinary people, God can do.  He is perfect and sinless; divine and everlasting; pure and gentle.

Therefore, in the highlights of the discussion, let Him do the rest and control your life.  We have no power on ourselves ones being saved, owned by Him.  Whatever problems you are facing on this temporal world, just have faith that prayers can be answered from heaven Above! If He speaks to the seas and storms of life, He can deal to the very bottom of our hearts and hypothalamus. 

He controls every beat, blink and breath of us!  He chooses every words, wishes and not to worry.  He loves, laboured and lead all the time.  We cannot question His power to control over us.  And the only thing we should control is keep our focus on Him!

Saturday, 5 July 2014

Problemang Uhugin



******

Noong sanggol tayo, walang lasa masyado ang ating mga kinakain. Wala din tayo masyadong problema.

Noong naging bata tayo, nagkalasa't nakakaramdam na tayo ng busog. At doo'y nakaranas na din tayo ng problema.

Ngayong may edad na tayo, sobra na ang lasa ng ating kinakain. Dama at napag-alaman na din natin ang tamis, alat, asim at pait (problema) ng buhay!

Hindi kaya dahil sa kinakain natin?!? Ngunit subukan mong huwag kumain, wala ka na ding problema't buhay (dahil patay ka na).

Hindi nga naman sa problema ang hindi pagkain. Minsan nga, mas madaming problema mas madaming nakakain. Ganun nga talaga o sa sabrang lungkot kakarampot lang ang ating nakakain.

Isinulat noong ika-10 ng Hunyo 2014

*******

Ngayong araw, nilakbay ko ang kanluran hanggang silangan. Napagtanto ko ang kakaibahan ng bawat nilalang ayon sa kilikili:

May maputi na mabaho,
May maitim na mabango,
May mabuhok na di pawisin,
May makinis din na asimin.

Saka ko binaybay ang timog pa-hilaga at inisip, kung anuman yan...may pagkakaparehas ang lahat, "walang palad at talampakan na maitim!"



*******

Isinulat noong ika-27 Mayo 2014

Dati ang problema lamang natin noong bata tayo, magpabili ng usong laruan, makilaro maghapon sa kapit-bahay at kumaing pilit ng hinapag na pagkain ng ating magulang.

Habang lumalaki, problema naman sa pagpasok sa paaralan para makakuha ng mataas na grado, pagpili ng kaibigang sasamahan o iimpluwensiyahan at pagdiskubre sa bagong bagay o karanasan...

Ngayon sa totoong buhay, paano solusyunan ang problema sa buhay-relasyon, pagyamanin ang pamumuhay, maging masaya sa buhay at dugtungan ang buhay...

Ibig sabihin, ang tao puno ng problema habang nasa mundo... Normal lang iyan, manalangin at manalig lang sa Panginoon!

Isinulat noong ika-16 Mayo 2014

*******