Featured post

Paano Mag-Change Status

Ilang Patnubay ng Kaibigan ang Kailangan” 1.  Facebook ang unang nakaalam bukod sa mga pamilya mo.            Kung hindi ka makamove on...

Showing posts with label Decision. Show all posts
Showing posts with label Decision. Show all posts

Tuesday, 22 July 2014

(IF) I HAVE A SUPERPOWER!


When I will be asked by someone, what superpower I wanted to possess, I will gladly reply "to control".  But let me correct my statement, which aboveall who can control and must be able to do this is only --- God!

I just thought that it would be happy if I can control the situations by changing the mindset of mischievious people, the broken marriages or any other forms of relationship, the physical wealth, the emotional battle and war among nations, the life span spent, the attraction from opposite sex, the temporary pleasures and more such decisions to be made that affect one kind.

Problems are just merely part of our lives.  In fact, it will refine our character than living in comfort of ignorance.  We must be patience in dealing circumatances in life.  Like the Bible says, tribulation worketh patience.  So if we pray for the patience coming from Above, He will send us earthly trials.  He wants us to live like Him because He is our Father, our great role model to follow.  We also repeatedly heard that we are precious stone or gold that needs to be put on fire to test if it's genuine or bogus.

To control, as we usually compare are really differs from leading.  Even leading to ruling - though it varies from given situations and context.  However, I can comprehend that one should be able to stand for the rest carrying the burdens of many.  While others would be capable of dictating for others to be changed or influenced their lives.  I still believed, it is difficult tasks when we organize things to put in order like traffic on the roads, man who choose to be miserable, words to be thrown, cycle in nature, dynamics of the world or advancement of science, at one time or all the time!

Not just on material aspect but hearts and minds of people, too.  When God knocks on to our hearts, we kept it closed though He's consistent.  When the Holy Spirit speaks in our mind to do what is right, we tend to follow our own flesh that soon lay on guilt.  There are bunch of reasons and whereabouts that we can't act coherently which I found out really very impossible to bestowed by ordinary people, God can do.  He is perfect and sinless; divine and everlasting; pure and gentle.

Therefore, in the highlights of the discussion, let Him do the rest and control your life.  We have no power on ourselves ones being saved, owned by Him.  Whatever problems you are facing on this temporal world, just have faith that prayers can be answered from heaven Above! If He speaks to the seas and storms of life, He can deal to the very bottom of our hearts and hypothalamus. 

He controls every beat, blink and breath of us!  He chooses every words, wishes and not to worry.  He loves, laboured and lead all the time.  We cannot question His power to control over us.  And the only thing we should control is keep our focus on Him!

Sunday, 29 June 2014

Himutok ng Utak, Tatak Hanggang Puso

“Ang desisyo’y hindi mahirap, kundi ang iyong aksyon”

Ang dami kong natutunang mga masaklap at masusustansiyang karanasan sa pagsisiyasat ng aking pagkatao.  Ang buhay pala’y isang sirkulo --- nakatali’t nagliliyab sa matibay na pundasyon… maaari ka ding ihampas sa dingding o paliparin sa lakas ng hangin; ipaanod sa ilog at ibaon sa burak.  Ako pala’y isang manhid sa likod ng isang matapang na pagkatao. Napakarami ko na palang tinalikurang laban ng buhay.  Sumuko at naging duwag.  Ang iba’y nasayang na panahon, tao, pagkakataon, pera at oras.

May mga tao pala’y magaling gumawa ng kasalanan ngunit hindi dumadakila sa kapighatian.  Minsan, tatalikuran ka ng buong sanlinutan para ikitil ang iyong mayabong na kaisipan.  Sa mga nararanasan mong sandali, wala kang ibang malalapitan kundi ang Lumikha ng langit at lupa.  Madalas, dahil sa iyong pagkalimot sa Kanyang kapangyarihan sa ating buhay, walang tulong Siyang didinggin.  Subalit sa iyong pagkalumbay at sa kalagitnaan ng iyong pighati, Siya rin ay dumadalamhati.

Masakit isipin na gumagawa tayo ng mga bagay na naaayon sa kung anong alam nating tama base sa ating nararamdaman.  Na sa bandang huli’y magsisisi tayo base sa ating naiisip.  Marahil, hindi magtugma-tugma ang ating naiisip.  Maaaring hindi magtugma-tugma ang aking saysay sapagkat ganiyan din ang aking tumpak na sitwasyon.  Wala din namang isang pangyayari na perpekto, hindi rin ayan ang aking hangad.

Nakita ng aking mga bulag na mata ang kahalagahan ng problema na siyang yumugyog sa aking pananampalataya sa Maylikha.  Bagamat napakaraming nasaktan na bukod sa sinuman ay ako, lahat din naman ay unti-unting naghihilom.  Mga bagay na sadya nang umaayon sa aking pagsusumamo at panalangin.  Habang lumilipas ang panahon, nauunawaan kong hindi ko kailangang mabuhay sa sariling sikmura.  Nararapat pala’y mapagkumbabang ispiritu at nakakaunawang puso upang maging maalam.

Ang daming umasa sa aking salita at mga gawa subalit sa huli’y nauwi lamang sa lahat ay wala. Nakuha ko naman ngumiti, magpaubaya, malumbay at humalakhak.  Sa likod ko’y bulong ng anghel na nagsasabi ng tama.  Hanggang sa ako na mismo ang sumuko na manguna sa aking sariling isip at gawa.  Ibinalik ko ang aking tunay na sariling hindi sakim at biglaan din ipinaubaya ang pagkatao sa mapanghusgang mata ng sanlibutan.  Lalong humirap mabuhay.

Sa mga nakaraang natutunan sa simbahan, makarinig ng panunumbat at makabasa sa Aklat ng katotohan…nanaginip akong humalukay sa lahat ng aking madayang nararamdaman, marahil isa itong modernong pagkikipag-usap ng Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu.  Bumangon ako’t humagulgol.  Sa pagpunas ng aking luha, nasayang ang tagpong iyon…dahil ako’y nanumbalik sa gigil ng laman at sinusubukang panindigan ang alam kong mali, ang alam ng mundong tama at ito'y lingid ng Diyos...ang lahat ng aking desisyon.  

Patas ang ibinigay Niyang hukom at pagpapaalala.  Nawalan akong kayamanan na aking itinuring --- salapi, kaibigang tunay, naubos ang aking mga ipinagmamalaki hanggang ang tanging natira ay bilang akong nilalang sa Kanyang harapan…isang nilalang na hubad sa Kanyang harapan.  

Wala akong mahablot na kakampi kundi ang tanging sarili.  Wala akong maiturong nagtulak sa akin kundi ako din. Lalong-lalo pa't walang masising iba pa, sapagkat bumabalik ang lahat sa akin.

Ako’y lumubog sa kahihiyan at nilamon ng mayabang na salita at astang hambog.



Binalutan Niya ako ng Kanyang awa at naramdaman ko na ako’y malapit sa Kanyang tabi.  Naisip ko ang mga kasakiman ng aking ginagawa…napakaraming nasaktan, ang aking pamilya, kaibigan, at Siya bilang Maylalang ng hiram kong buhay. Isang nakakapanglumbay na mga sandali ang dapat mapagdaanan ng kung sinuman.  

Tunay nga na ang Kanyang kapangyarihan ay walang kupas.  Nananalig ako ng buong-giliw na ang lahat ay upang ikabuti ng Kanyang trono, ako bilang anak Niya.  Muntik nang tuluyang mayurakan ang aking pagkatao’t masira ang obrang buhay sa makasariling mundo.  

Salamat sa Diyos na iniligtas ako sa tiyak na kapahamakan at pinalitan ang dating nakakalunod na pighati sa nag-uumapaw na kagalakan…magmula ngayo'y aasa ako sa pangakong pagpapalang walang-kupas, ng aking buhay dito sa lupa at sa langit!